JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
DIVORCE BILL, MULING BINUHAY SA KAMARA

Sa pang-limang pagkakataon muling inihain ng Gabriela Partylist ang panukalang batas para gawing legal ang diborsyo sa Pilipinas.

Ito na ang pangalawang Divorce Bill na inihain sa Kamara ngayong 17th Congress dahil nauna nang naghain si Albay Cong. Excel Lagman.

Sa kanilang Divorce Bill, sinabi nila Gabriela Representative Emmi De Jesus at Arlene Brosas na long overdue na ang diborsyo, base sa panukala papayagan ang mag-asawa na magdiborsyo kung limang taon na silang hindi nagsasama, kung legally separated ng dalawang taon, kung pareho silang psychologically incapacitated at kung hindi na talaga sila magkasundo.

Ayon kay De Jesus, kung kinikilala ng estado ang karapatan na pumasok sa kontrata ng kasal dapat may karapatan din na makalabas.

Sinabi naman ni Brosas, na panahon nang magkaraoon ng diborsyo sa bansa lalo't animnapung porsyento o tatlo sa limang Pilipino ang pabor dito.

Read 3210 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.