JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
REY LANGIT, NASA BAKURAN NA NG DZRJ AM AT 8 TRI TV!

BY: RODEL FERNANDO                                 

August 1, 2016 

Dahil sa pagiging abala noong nakaraang eleksiyon sa kanyang pagtakbo bilang senador, pansamantalang hindi narinig sa radyo ang boses ng batikang brodkaster na si Rey Langit.

Sa kaniyang pagkawala, marami sa kanyang mga tagasubaybay ang nalungkot at nagtatanong kung bakit hindi na siya napapakinggan sa radyo.

Huling narinig sa himpapawid ang boses niya sa himpilang DWIZ kung saan nagsilbi rin siyang station manager ng naturang AM station sa mahabang panahon.

At sa mga nananabik sa muli niyang pagbabalik sa radyo, mapapakinggan na siya sa kaniyang bagong tahanan sa DZRJ 810 AM Radio na sabayang napapanood sa 8 Tri-TV Cable Link Channel 7 at live streaming all over the world sa 8trimedia.com live broadcast na pinalakas ng 8 Trimedia Pro, Incorporated.

Kabilang sa mga programang aabangan sa award winning broadcast-journalist ay ang "Kasangga Mo Ang Langit" mula Lunes hanggang Biyernes, 10 to 11am at Balita sa Tanghali sa pareho ring mga araw sa ganap na ika-12 ng tanghali.

Read 6494 times Last modified on Monday, 01 August 2016 14:56
Tagged under
Share this article

About author

Infinity Admin

Email This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.