JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PAGLAYA NI DATING PANGULONG GLORIA ARROYO, INAASAHAN NGAYONG ARAW

Nananatiling mahigpit ang seguridad sa paligid ng Veterans Memorial Medical Center o VMMC sa Quezon City.

Ito ay dahil inaasahan na ngayong araw makakalaya mula sa pagkaka-hospital arrest si dating Pangulo at kasalukuyang Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Kahapon, sa botong 11-4 ay ibinasura ng Supreme Court en banc ang kasong plunder na inihain laban sa dating presidente.

Kaugnay ito sa umano'y maanomalyang paggamit ng confidential intelligence fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office na nagkakahalaga ng P366 million noong pangulo pa si Arroyo.

Sa kasalukuyan, hinihintay pa rin ng kampo ni Arroyo ang kopya ng desisyon ng korte suprema upang ito ay tuluyan nang makaalis sa VMMC at makauwi sa kanyang bahay sa La Vista Subdivision sa Quezon City.

 

Read 2001 times Last modified on Wednesday, 20 July 2016 12:40
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.