JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
SENADO, TODO REAKSYON SA PAGPAPALAYA KAY DATING PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

Nirerespeto ng ilang Senador ang naging desisyon ng Korte Suprema na palayain na si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo.

Ayon kay Sen. Chiz Escudero, dapat irespeto ang ruling ng Supreme Court kahit mayroong mga hindi sang-ayon sa naging desisyon ng Kataas-taasang hukuman.

Naniniwala si Escudero na hindi rin nagpa-impluwensiya ang Korte Suprema sa sinabi ni Pres. Rodrigo Duterte na sa ilalim ng kanyang administrasyon, ay makakalaya na ang dating Pangulo.

Ayon naman kay Sen. Panfilo Lacson, matagal nang nagdusa si Arroyo at dapat lang palayain na ang dating Pangulo dahil bukod sa hindi sapat ang mga ebidensya dapat ikonsidera din ang kanyang kalusugan.

Sa panig ni Sen. Gringo Honasan sana umiral aniya ang rule of law at due process kahit medyo natagalan ang desisyon.

Ayon kay Honasan, positibong hakbang ito para sa pagkakaisa at iwasan ang pagkakawatak-watak dahil lamang sa isyu ng pulitika.

Read 2533 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.