JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PINALAWIG NA BIYAHE NG LRT-1 SA GABI, PERMANENTE NA

Kahapon inanunsyo ng pamunuan ng Lrt-1 station na magiging permanente na ang pinalawig na biyahe nang nasabing istasyon.

Bago nito, nagsagawa muna ng test run para sa extension hours ng kanilang train service.Tatagal sana ang test run na nagsimula Hulyo 10 hanggang Agosto 9 lamang ngunit nang tangkilikin ito ng mananakay ay kaagad nang nagpasya ang LRT-1 na gawin na itong permanent.

Batay sa una nang ipinalabas na schedule ng LRT-1, mula Lunes hanggang Biyernes, ang biyahe ng tren mula Baclaran hanggang Roosevelt Station ay magiging hanggang alas-10:00 ng gabi mula sa dating 9:30 ng gabi lamang.

Nangangahulugan ito na mayroon pa silang train service ng 9:40, 9:50 at 10:00 ng gabi, na siyang last trip.

Mula Roosevelt Station naman ay nagdagdag ng dalawa pang biyahe ng tren ganap na 10:10 at 10:15 ng gabi, na siyang last trip tuwing weekdays.

Samantala, sa weekends naman, o araw ng Sabado at Linggo, gayundin sa mga araw na deklaradong public holidays, magdaragdag rin tatlong biyahe mula sa Baclaran hanggang Roosevelt Stations ng 9:10, 9:20 at 9:30 p.m., habang dalawang biyahe naman ang idaragdag sa biyahe mula Roosevelt hanggang Baclaran ng 9:40 at 9:50 ng gabi.

Read 3566 times
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.