JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
SERYE NG PATAYAN KAUGNAY SA ILLEGAL DRUGS, KAGAGAWAN NG VIGILANTE GROUPS - PALASYO

BY: ROSE NOVENARIO

INIIMBESTIGAHAN na ng Philippine National Police (PNP) ang serye ng patayan na inuugnay sa illegal drugs na kagagawan ng vigilante groups, ayon sa Palasyo.

Iginiit ni Communications Secretary Martin Andanar na hindi kinokonsinti ng administrasyong Duterte ang extrajudicial killings at ang pamahalaan ay desididong iligtas ang mamamayan sa illegal drugs at parusahan ang mga nagpapakalat nito, kasama na ang bigtime drug lords.

“Government is against any form of extra judicial killings. We do not condone these acts. Government is here to save our people from the drug menace and punish the offenders, including the big-time ones".

The PNP continues to investigate situations involving vigilante killings and operational aspects where deaths are reported,” ayon kay Andanar.

Hindi naman tinukoy ni Andanar kung ilang kaso nang pagpatay na ibinibintang sa vigilante groups ang sinisiyasat ng PNP.

Ayon kay Andanar, umaabot na sa 60,000 drug addicts ang sumuko sa otoridad sa buong bansa mula nang magsimula ang kampanya kontra-illegal drugs ng administrasyong Duterte, batay sa ulat na natanggap ng Palasyo mula kay Chief Supt. Camilo Coscolan, hepe ng PNP Directorate for Operations .

“We have to seize the momentum,”sabi pa ni Andanar.

Aniya, ito’y nagpapatunay na buo ang tiwala ng publiko sa otoridad at naging instrumento pa para sa pagkakaisa ng sambayanang Filipino laban sa illegal drugs.

“The voluntary surrender of thousands of self-confessed users and pushers reaffirms our people’s renewed faith and trust in authorities. In his resolute campaign against drugs, the President has even made it possible to unite the populace in combating the illegal drug trade,” sabi pa niya.

Read 2235 times Last modified on Friday, 15 July 2016 16:00
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.