JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
IMBESTIGASYON NG SENADO SA SERYE NG PAMAMASLANG SA MGA SUSPECTED DRUG TRAFFICKER, KINOTRA NG ISANG SENADOR

Kinontra ni Senador Vicente Tito Sotto III at Senador Panfilo Lacson ang nais ni Senadora Leila De Lima na imbestigahan ng kongreso ang serye ng pagpaslang sa mga suspected drug trafficker.

Sinabi ni Sotto hindi daw kailangang mag imbestiga pa ng kongreso sa sunud-sunod na pagpaslang sa mga pinaghihinalaang sangkot sa illegal na droga

Ayon sa senador, dapat ipaubaya na lang sa ehekutibo partikular na sa DOJ, Commission on Human Rights (CHR) at National Police Commission (Napolcom) ang pag-iimbestiga sa serye ng pagpatay sa mga suspected drug trafficker

Kinuwestyun naman ni Senator Panfilo Lacson, ang uupong Chairman ng Committee on Public Order and Illegal Drugs, si de Lima na ano daw ang magiging basehan nito para magpatawag ng committee hearing sa naturang usapin kung wala namang nagrereklamo na biktima ng summary execution ng ilan sa mga napatay.

Giit pa ni Lacson na posibleng hindi rin dumalo ang ibang senador sa pagdinig kung walang basehan o kung ispekulasyon lang ang batayan ng pag-file ng resolusyon ni Sen. De Lima na nanglalayong paimbestigahan sa senado ang serye ng pagpatay.

Dagdag pa ni Sen. Lacson aaksyunan lang nito ang isusumiteng resolusyon ni De Lima kung may complainant o kaya ay may tetestigo sa posibleng kaso ng summary execution.

Read 2414 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.