JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PAMILYA PAROJINOG, TINIYAK NA SASAGUTIN ANG DUTERTE EXPOSE

Sasagutin daw ng pamilya Parojinog ang akusasyon ni Presidente Rodrigo Duterte na kabilang sila sa drug triad na kumikilos sa Pilipinas na nakabase sa Mindanao.

Ito ay matapos hayagang ibunyag ni Duterte na isa ang nakakulong sa National Bilibid Prison na si Herbert Colangco na malaking drug distributor sa mga probinsya sa Mindanao.

Ayon sa staff na ayaw ipabanggit sa publiko ang pangalan, nakahanda raw si Ozamiz City Mayor Reynaldo "Aldong" Parojinog na sumagot ukol sa akusasyon ni Duterte laban sa kanila.

Nauna rito, sinabi ni Duterte na si Colangco ay aktibong miyembro ng Kuratong Baleleng gang na asawa naman ni Ozamiz City Vice Mayor Princess Nova Parojinog-Echavez.

Napag-alaman na matagal ng panahon na usap-usapan na ang siyudad ng Ozamiz ay hirap mapasok ng anti-drug law enforcement agencies dahil sa malakas na resistance ng umano'y operator na kumikilos sa lugar.

 

 

Read 2780 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.