JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PEACE TALKS SA PAGITAN NG GOBYERNO AT CCP-NPA-NDF, INAASAHANG MALALAGDAAN BAGO MATAPOS ANG TAON

CLARK, PAMPANGA - UMAASA si Pangulong Rodrigo Duterte na bago matapos ang taon ay malalagdaan na ang kasunduang pangkapayapaan ng gobyerno at Communist Party of the Philippines –New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

“Good we’re talking to the Communist Party of the Philippines (CPP) and we hope to have a firm agreement by the end of the year,” ani Duterte sa kanyang talumpati sa ika-69th anniversary ng Phil. Air Force (PAF).

Nakahanda siyang bigyan ng safe conduct pass si CPP founding chairman Jose Ma. Sison, maging ang detenidong mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon na NDF consultants para lumahok sa usapang pangkapayapaan.

Sinabi pa ni Duterte na hindi niya palalayain ang lahat ng political prisoners hangga’t hindi nagtatagumpay ang peace talks.

Hindi rin niya pagkakalooban ng amnesty ang lahat ng political prisoners kapag hindi nila tinalikuran ang armadong pakikibaka.

“I’m not releasing everybody only after success of talks. I will grant amnesty but they have to lay down arms,” giit pa niya.

Read 2388 times Last modified on Tuesday, 05 July 2016 18:50
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.