JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
LIMANG POLICE GENERALS NA SANGKOT SA ILLEGAL DRUGS, PINANGALANAN NA NI DUTERTE

Pinangalanan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga matataas na opisyal ng Philipine National Police (PNP) na sangkot sa iligal na droga,

Sa kanyang talumpati sa 69th Anniversary ng Philippine Air Force sa Clark Airbase sa Pampanga, tinukoy ni Pang. Duterte sina dating National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Joel Pagdilao, Western Visayas Regional Director Chief Supt. Bernardo Diaz, dating Quezon City Police District (QCPD) Director Edgardo Tinio, dating Chief Supt. Vicente Loot at dating PNP Deputy Chief for Administration Generoso Marcelo Garbo.

Ipinag-utos din ni Duterte ang agarang pagsibak sa mga aktibong mga heneral at iginiit na magiging madugo ang kanyang kampanya para masugpo ang iligal na droga sa bansa.

“Do not destroy my country because I will kill you,” giit ni Duterte.

Paliwanag ni Duterte, nakahanda siyang itaya ang pagiging pangulo para sa kanyang adbokasiya kontra kriminalidad.

“I assume full legal responsibility for it. My honor, my life and my presidency kaya kong bitiwan yan,” saad pa ni Duterte.

Inatasan na rin ni Duterte ng National Police Commission na gawin ang kanilang trabaho at imbestigahan ang mga naturang heneral.

Ang mga nabanggit na opisyal ng PNP ay kabilang sa Class 84 ng Philippine Military Academy (PMA) na sinasabing mga malalapit na opisyal kay dating Interior Sec. Mar Roxas kung saan siya ay adopted member.

Read 5054 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.