JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PAGPAPALAKAS NG SEKTOR NG AGRIKULTURA, PRAYORIDAD NG DUTERTE ADMINISTRATION

Palalakasin ng administrasyong Duterte ang sektor ng agrikultura sa bansa upang mapaigting ang produksyon nito na malaki ang maitutulong sa mga mamamayan na nasa kanayunan.

Ito ay ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III kasabay ng pahayag na bahagi ito ng economic agenda ng Duterte administration.

Bibilisan din aniya ng pamahalaan ang pag-decentralize ng ekonomiya ng Pilipinas at pagkontrol sa population growth rate.

Bukod dito, bubuhusan din aniya ng pondo ng gobyerno ang educational system at palalawigin ang access sa public health.

Dagdag pa ni Dominguez, seryoso aniya si Pangulong Rodrigo Duterte na resolbahin ang problema sa matinding trapiko sa Metro Manila na isa sa mga dahilan kaya’t nawawalan ng gana ang ilang mga investors na maglaan ng puhunan sa bansa.

Pag-aaralan rin ng bagong administrasyon ang implementasyon ng conditional cash transfer system o CCT program.

Ito aniya ay dahil sa pananaw ng ilang negosyante na masyado nang umaasa ang publiko sa gobyerno dahil sa naturang proyekto.

Read 4524 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.