JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
INAUGURATION SPEECH NI PRES.DUTERTE, HINANGAAN SA KONGRESO!

Sa panunumpa ng ika-16 na pangulo ng Pilipinas, lubos na hinangaan ng mga mambabatas mula sa mababa at mataas na Kapulungan ng Kongreso ang inaugural speech ni President Rordrigo Duterte.

Sa Kamara, napahanga si Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles, dahil ‘direct to the point’ at walang halong pagpapanggap ang talumpati ni Digong.

Ayon naman kay Iloilo Rep. Jerry Trenas, ang pagtitiyak ni Duterte na tutuparin ang mga ipinangako nito noong halalan ay indikasyon na ang bagong pamahalaan ay para sa mga tao.

Habang sa senado ay nagkaroon din ng kanya-kanyang pagpuri sa nasabing inagurasyon.

Isa sa pumuri mula sa senado ay si Senador Edgardo Angara, dahil sa pagiging “simple, maiksi, at madaling maintindihan ng lahat”. Aniya, kapwa naman naging maganda ang talumpati ni Duterte at ng bagong bise-presidente.

Para naman kay Senador Ralph Recto, “presidential, persuasive, at purposeful” ang talumpati ni Duterte. Para daw isang magandang damit ng babae ang talumpati nito na tama lamang ang haba upang matakpan ang kinakailangang takpan, pero maikli upang maging interesting.

 

Read 3494 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.