JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
DUTERTE, NANUMPA NA BILANG IKA-16 PANGULO NG PILIPINAS

Nanumpa na si Rodrigo Duterte bilang ika-16 Pangulo ng Republika ng Pilipinas Huwebes ng tanghali.

Ang panunumpa ni Duterte ay isinagawa sa harap ni Supreme Court Associate Justice Bienvenido Reyes sa Rizal Hall sa Malacañang.

Ang bunsong anak na si Kitty ang bible bearing sa oath-taking ni Duterte.

Naroon sa seremonya ang common-law wife ng bagong Pangulo na si Cielito “Honeylet” Avanceña at ang dating asawa na si Elizabeth Zimmerman na kasama ang mga anak na sina Paolo, Sara at Sebastian.

Saksi sa panunumpa ni Duterte ang ilang miyembro ng diplomatic corps, incoming Cabinet members at mga mambabatas.

Pagkatapos ng oath-taking ay kanya namang pinangunahan ang panunumpa ng cabinet members ng kanyang administrasyon.

Binigyan din si Duterte ng full military honors bandang alas-12:30 ng hapon bago ang unang opisyal na pagpupulong ng kanyang cabinet sa ganap na alas-2 ng hapon.

Read 3281 times Last modified on Thursday, 30 June 2016 20:01
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.