JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
SALN NG GABINETE NI PNOY, INILABAS NA; PURISIMA, PINAKAMAYAMAN, LUISTRO, PINAKAMAHIRAP

Si Finance Sec. Cesar Purisima ang pinakamayaman sa hanay ng mga cabinet members ni Pangulong Noynoy Aquino para sa taong 2015.

Base sa isinumiteng Statement of Assets and Liabilities and Net worth (SALN) ni Purisima, mayroon itong kabuuang asset na P301,328,806.

Sinundan siya nina Tourism Sec. Ramon Jimenez na may P289,066,800, Health Sec. Janette Garin na may P141,571,768, Agriculture Sec. Proceso Alcala na may P92,985,163 at pang lima si DPWH Sec. Rogelio Singson na may P88,521,628.

Pinakamahirap naman sa mga kalihim ni Pangulong Aquino si Education Sec. Armin Luistro na may kabuuang assets na nagkakahalaga ng P586,107.

Base naman sa records section, wala pa ang kopya ng SALN nina DOTC Sec. Jun Abaya, Cabinet Sec. Jose Rene Almendras, DOJ Sec. Emmanuel Caparas, DTI Sec. Adrian Cristobal at Economic Planning Sec. Emmanuel Esguerra.

Read 4154 times
Share this article

About author

Infinity Admin

Email This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.