JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
BANDILA SA SENADO, ILALAGAY SA HALF-MAST MATAPOS ANG PAGPANAW NI MACEDA

Bumuhos ngayon ang pakikiramay sa pamilyang naiwan ng pumanaw na dating Senate President na si Ernesto Maceda.

Kabilang sa kaagad na nagpaabot nang pagdadalamhati ay si Senate President Franklin Drilon.

Sinabi ni Drilon na nakikiisa siya sa buong Pilipinas sa pagluluksa sa pagpanaw ni Maceda sa edad na 81.

Bilang pagkilala sa namayapang dating senador, iniutos ni Drilon kay Senate Secretary Oscar Yabes ang paglagay sa half-mast ng bandila ng Pilipinas sa Senado.
01Inihahanda rin daw ng mataas na kapulungan ng Kongreso ang necrological service gayundin ang ipapadalang honor guards sa lamay ni Maceda.

Nakatakdang iburol ang labi ng dating senador sa Mount Carmel Church sa New Manila, simula alas-3:00 ng hapon ngayong Martes.

Habang sa Sabado naman ang libing sa Loyola Memorial Park sa Marikina pagkatapos ng misa sa Mount Carmel na isasagawa naman ng alas-9:00 ng umaga.

Read 3417 times
Share this article

About author

Infinity Admin

Email This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.