JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
10 POINT ECONOMIC AGENDA NG DUTERTE ADMINISTRATION IPIPRESINTA

Sampung araw bago opisyal na uupo si President-elect Rodrigo Duterte inaasahan na makikipagkita siya at ang economic team sa mga business leaders.

Ito ay may kinalaman sa dalawang araw na conference para sa pagbalangkas sa 10-point economic agenda.

Ayon sa kampo ni Duterte, inaasahan nila ang mahigit 300 business leaders sa buong Pilipinas na dadalo sa June 20-21 na isasagawa sa lungsod ng Davao.

Ang nasabing consultative workshop ay mayroon tema na “Sulong: Hakbang Patungo sa Kaunlaran.”

Ito ay inorganisa ng Philippines Chamber of Commerce and Industry kasama ang Mindanao Business Council.

Sa nasabing summit, ipipresenta ni incoming Finance Secretary Carlos Dominguez ang 10-point socioeconomic agenda ng Duterte administration upang makakuha pa ng dagdag na rekomendasyon mula sa business sector.

Samantala, tatalakayin naman ni incoming National Economic Development Authority (NEDA) Director-General Ernesto Pernia ang economic situation sa bansa.

Ang economic agenda ng Duterte adminstrasyon ay kinabibilangan sa pagpapatuloy ng kasalukuyang macroeconomic policies kabilang na ang fiscal, monetary, at trade policies.

Mabilisang pagproseso ng mga business permits para ma-engganyo pa ang mga investors na maglagak ng negosyo sa bansa, gaya nang ginagawa sa Davao.

Pag-promote sa rural at value chain development upang mapalago ang agricultural at rural enterprise productivity at rural tourism.

Pag-invest sa human capital development, kabilang na ang health and education systems, match skills at training upang masagot ang demand ng iba't ibang negosyo at private sector.

Pag-promote sa science, technology, at creative arts upang mapag-ibayo ang innovation at creative capacity tungo sa self-sustaining, at inclusive development.

Pagprotekta sa mga mahihirap na kababayan laban sa "instability" at "economic shocks" sa pamamagitan nang pagpapatuloy sa Conditional Cash Transfer program ng gobyerno.

Mahigpit na pagpapatupad sa Responsible Parenthood and Reproductive Health Law.

Nilinaw ng kampo ni Duterte na ang "Sulong" ay gagawing taunang aktibidad ng administrasyon at ito ang pinakauna sa loob ng anim na taon.

Inaasahan naman ang pagdalo ni Duterte sa nasabing meeting upang magbigay ng sagot sa resulta ng anumang makukuhang rekomendasyon mula sa nasabing workshop.

Read 28419 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.