JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
DAHILAN NG PAG-DROP OUT NG 400K ESTUDYANTENG APEKTADO NG K-12, AALAMIN NG DEPED

Sinabi ni outgoing Department of Education (DepEd) Secretary Armin Luistro na ibahay-bahay kung kinakailangan ang 400,000 school dropouts para matukoy kung ano ang dahilan at hindi nag-enroll ang mga ito.

Ayon kay Luistro, kahit may kabigatan ang trabaho ay iniatas na sa mga guro ang pagbabahay-bahay.

Maliban sa mga estudyante ay damay din sa problema ang mga guro at mga kawani ng mga eskuwelahan.

Dahil dito, nakabitin sa kawalan ang kinabukasan ng nasabing bilang ng school drop-out na diumano’y apektado ng implementasyon ng K-12.

Ang mga nasabing dropouts daw kasi at hindi nabigyan ng diploma kaya hindi sila maaaring tanggapin sa kolehiyo at nahihirapan ring makahanap ng trabaho.

Sinasabing umaabot sa mahigit 400,000 na estudyante ang hindi na itinuloy na mag-enroll dahil ang voucher na ibinigay sa mga ito na P22, 500 ay hindi makakasapat para ipagpatuloy ang senior high school sa private high schools na paglilipatan ng mga ito.

Kaya naman kailangang obserbahan pa aniya sa mga darating na linggo kung late enrollees lang ba ang mga ito o talagang hindi na tutuloy at kritikal umano na maobserbahan umano ito.

Samantala, nanagawan si incoming DepEd Secretary Leonor Briones na suportahan ang senior high school program.

Read 8983 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.