JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

News

LASING NA FOREIGNER PAPUNTANG HONG KONG, PINABABA NG EROPLANO

Isang Ukrainian National ang na-offload sa kanyang lipad patungong Hongkong. Ito'y matapos na makipag-inuman sa loob ng paliparan at lasing na lasing kasama ang kanyang kapwa Ukrainian na si Sergiy Zhyltsov, 32-anyos, seaman at pasahero ng flight PR 306 sa NAIA 2.

Ayon sa airport police na si Police Insp. Benito Nasol ng PNP-Avsegroup, inireklamo ng mga kapwa pasahero sa boarding gate no. 5 si Zhyltsov, kasama ang dalawang iba pang Ukrainian matapos na magkagulo ang mga ito nang sila ay sitahin sa kanilang pag-iinuman.

Nakaubos ng dalawang bote ng alak ang tatlo na nabili nila sa Duty Free kaya naman ay tinamaan ng sobrang kalasingan si Zhyltsov at nakipagbuno pa sa isa nitong kasamahan na umawat sa kanya, dahilan para i-offload ito ni PAL duty manager Olivia Fuentebella sa biyahe dahil sa delikado umano nitong behavior na maaring makaapekto sa iba pang mga pasahero.

Isinakay sa wheelchair ang Ukrainian at pagsapit sa tanggapan ng PNP-AvSegroup ay walang hiya-hiya na umihi ito sa loob ng opisina ng pulis.

Read 4165 times
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.