JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
CRISTIANO RONALDO, WORLD HIGHEST PAID ATHLETE AYON SA FORBES MAGAZINE

Kinilala bilang "word's highest paid athlete" ngayong taon ang football star na si Cristiano Ronaldo.

Batay sa Forbes magazine, kumita ng $88 million ang Real Madrid star simula June 2015 hanggang June 2016.

Tumaas ng dalawang puwesto si Ronaldo na noong nakaraang taon ay pangatlo lamang.

Pangalawang team athlete pa lamang si Ronaldo na nanguna sa listahan ng Forbes simula nang ilabas ang listahan noong 1990, bukod kay Michael Jordan.

Unang beses naman ito sa loob ng 12 taon na hindi si Tiger Woods o ang undefeated boxer na si Floyd Mayweather Jr. ang highest paid athlete.

Ang mga kinita ng football icon ay mula sa kaniyang endorsement, bonuses at sahod.

Pangalawa naman sa listahan ang mahigpit na karibal ni Ronaldo na si Lionel Messi ng FC Barcelona.

Kumita si Messi ng $81.4 million.

Nasa No. 3 ang Cleveland Cavaliers star na si LeBron James ($77.2 million) habang pang-apat naman ang tennis legend na si Roger Federer ($67.8 million).

Ang world's highest paid athlete noong nakaraang taon na si Mayweather ay nasa ika-16 na puwesto na lamang ngayon matapos kumita ng $44 million habang ang Pinoy ring icon na si Manny Pacquiao ay nasa no. 63 spot matapos kumita ng $24 million.

Narito ang Top 10 higest paid athlete sa mundo:

1. Cristiano Ronaldo - $88 million (Football)

2. Lionel Messi - $81.4 million (Football)

3. LeBron James - $77.2 million (Basketball)

4. Roger Federer - $67.8 million (Tennis)

5. Kevin Durant - $56.2 million (Basketball)

6. Novak Djokovic - $55.8 million (Tennis)

7. Cam Newton - $53.1 million (NFL)

8. Phil Mickelson - $52.9 million (Golf)

9. Jordan Spieth - 52.8 million (Golf)

10. Kobe Bryant - $50 million (Basketball) 

Read 2864 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.