JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
LTFRB, IPINAGBABAWAL ANG “FOR SLIM ONLY" SIGNS SA FRONTSEAT NG UV EXPRESS

Ayon kay LTFRB Board Member Atty. Ariel Inton, may nakarating sa kanyang sumbong na may mga stickers na inilalagay sa mga frontseat ng mga UV Express na nagsasaad na ‘slim only’, na ang ibig sabihin ay bawal umupo sa tabi ng driver ang mga matatabang pasahero.

Sinabi ni Inton na ito ay malinaw na pag-alipusta sa mga mananakay at ipinagbabawal ito salig sa Joint Administrative Order (JAO) ng LTO at ng LTFRB.

Nakatanggap kasi ang LTFRB ng sumbong tungkol sa stickers na nagsasaad ng ‘slim only’ sa mga UV express na namimili ng isasakay nila sa harap na upuan ng van.

May mga pagkakataon din na hindi pinapayagan na umupo sa frontseat ang mga lalaki na mataba at namimili lang ng payat na pasahero na ipupwesto sa harapan.

Iginiit ni Inton na hindi nila kinokontra ang pagre-reserve ng driver ng upuan para sa girlfriend, asawa, o miyembro ng pamilya.

Gayunman, ang pamimili ng pasahero base sa itsura, kasarian, edad o pisikal na kaanyuan ay ipinagbabawal base sa Anti-discrimination Act lalo at dahil ang sasakyan na kanilang minamaneho ay public utility vehicle.

Read 2977 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.