JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
MALAKING HALAGA, ALOK NI DUTERTE LABAN SA DROGA

Nanawagan si President-elect Rodrigo Duterte sa publiko na makilahok at makibahagi sa kampanya laban sa droga.

Ngunit sa pagkakataong ito, aktibong partisipasyon sa pagpatay sa mga drug lord ang ipananawagan ng incoming president.

Aniya, hinihikayat niya ang mga mamamayan na magsumbong sa mga pulis kung may mga nagkalat na drug lords at drug dealers sa kanilang nasasakupan.

Pwede rin daw na sila na mismo ang pumatay sa drug lord kung sila ay mayroong kakayahan o mayroong baril.

Nag-alok din ito ng malaking halaga para sa makakapatay ng drug lord.

Mula sa P3 milyon, itinaas niya sa P5 milyon ang pabuya sa makakapatay ng malaking drug-trafficker, P1 milyon hanggang P3 milyon naman ang para sa mga tauhan ng druglord at P50,000 para sa maliliit na pusher.

Read 2924 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.