JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
3-CHILD POLICY NI DUTERTE, KINONTRA NI GATCHALIAN

Sa halip na 3-child policy, naniniwala si Senator-elect Win Gatchalian na mas mainam kung palalakasin na lamang ang Family Planning Program o ang implementasyon ng Reproductive Health Law.

Paliwanag ni Gatchalian, makokontrol din naman ang paglago ng populasyon kung gagawing available ang mga contraceptives at iba pang bagay na makakatulong sa pagpaplano ng pamilya.

Tutol ang mambabatas sa 3-child policy dahil wala daw sa kultura ng mga Pilipino ang diktahan kung ilan lamang ang dapat ang maging anak.

Magiging isyu rin aniya dito kapag lumagpas sa tatlo ang anak dahil tiyak na pagdedebatehan kung dapat bang parusahan at ano ang magiiging penalty kung sakali.

Matatandaang inihayag ni presumptive President Rodrigo Duterte ang 3-child policy sa harap ng patuloy na paglobo ng populasyon ng Pilipinas.

Hanggang noong Agosto noong nakaraang taon umabot na sa halos 101 milyon ang populasyon ng bansa base sa tala ng Philippine Statistic Authority.

Read 3580 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.