JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
WANTED NA RAPIST, ARESTADO SA GEN. LUNA QUEZON

BY: ROMMEL MADRIGAL

NAARESTO NG GENERAL LUNA MUNICIPAL POLICE ANG ISANG WANTED NA RAPIST SA BRGY. SAN ISIDRO ILAYA, GENERAL LUNA, QUEZON.

KINILALA  NI PS/INSP. ELIEZER C. CAYCO, OIC POLICE CHIEF NG NASABING BAYAN ANG NAARESTONG AKUSADO NA SI REYNALDO ROCAMARA, 48 TAON, HIWALAY SA ASAWA, ISANG LABORER AT RESIDENTE NG BRGY. SAN IGNACIO IBABA, GEN. LUNA, QUEZON.

BATAY SA ULAT NA IPINADALA NG QUEZON POLICE PROVINCIAL OFFICE MULA SA TANGGAPAN NI PS/INSP. CAYCO, DAKONG ALAS-9:30 NG UMAGA, PINANGUNAHAN NI SPO3 WARREN PENTES ANG OPERATION NA NAGRESULTA SA PAGKAARESTO NG SUSPEK.

INARESTO ANG AKUSADO SA BISA NG WARRANT OF ARREST NA IPINALABAS NI HON. JUDGE EDILWASIF T. BADDIRI, PRESIDING JUDGE NG BRANCH 62, RTC-GUMACA, QUEZON NA LUMABAS NOONG OCTOBER 24, TAONG KASALUKUYAN SA KASONG RAPE.

KASALUKUYAN NG NASA KOSTODIYA NG GEN. LUNA POLICE STATION ANG NAARESTONG AKUSADO NA WALANG INIREKOMENDANG PIYANSA PARA SIYA’Y MAKALAYA PA.

 

 

Read 80 times Last modified on Monday, 06 November 2017 12:26
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.