JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PAGLILIMITA SA PAGGAMIT NG PAPUTOK SA QC, TARGET IPATUPAD SA DECEMBER 1

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM


TARGET NA LOKAL NA PAMAHALAAN NG QUEZON CITY NA MAIPATUPAD ANG PAGLIMITA NG PAGGAMIT NG MGA PAPUTOK SA MGA PAMPUBLIKONG LUGAR SA LUNGSOD SA SUSUNOD NA BUWAN.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI QC COUNCILOR RANULFO LUDOVICA, MAY-AKDA NG CITY ORDINANCE 2618-2017, NA INAASAHAN NILANG MATAPOS NA ANG IMPLEMENTING RULES AND REGULATIONS O IRR NGAYONG BUWAN UPANG MAIPATUPAD NA ITO SA UNANG ARAW NG DISYEMBRE.

SA NGAYON, IPINAPAKALAT NA NILA SA MGA BARANGAY ANG DETALYE HINGGIL SA NATURANG ORDINANSA, LALO NA SA MGA OPISYAL NG MGA BARANGAY NA SIYANG MAGBABANTAY SA MGA LALABAG NITO.

IGINIIT RIN NI LUDOVICA NA ANG SINUMANG BARANGAY OFFICIAL NA HINDI AAKSYUNAN ANG MGA PAGLABAG SA NATURANG BATAS AY KAKASUHAN NG ADMINISTRATIBO NG LOKAL NA PAMAHALAAN.

SA ILALIM NG ORDINANSA, IPAGBABAWAL NA SA BUONG LUNGSOD ANG PAGGAMIT NG FIRECRACKERS SA MGA PAMPUBLIKONG LUGAR GAYA NG MGA LANSANGAN, ALLEYS O ESKINITA, AT MAGING SA MGA PLAZA, BASKETBALL COURT, PARKE, AT MGA KAHALINTULAD NA LUGAR.

MAGBABAYAD NG P5,000 MULTA AT MAAARING MAKULONG NG ISANG TAON ANG MGA LALABAG DITO.

Read 4076 times
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.