JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
LTFRB, NAGPALABAS NA NG SUSPENSION ORDER SA BUS COMPANY NA NAHULOG SA ALABANG SKYWAY EXIT

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

NAGPALABAS NA NG 30-DAY PREVENTIVE SUSPENSION ORDER ANG LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD (LTFRB) LABAN SA KUMPANYA NG BUS NA NAHULOG SA NAKAANGAT NA BAHAGI NG  ALABANG SKYWAY EXIT KAGABI.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI LTFRB BOARD MEMBER AT SPOKESMAN ATTY. AILEEN LIZADA NA HAWAK NA NILA ANG DRIVER NG CHER TRANSPORT BUS MATAPOS ANG PAG-ISYU NG SUSPENSION ORDER.

AYON PA KAY LIZADA, SISILIPIN NG LTFRB ANG LOGBOOK NG NATURANG KUMPANYA UPANG MATINGNAN KUNG NAKAKAPAGSAGAWA NG SAPAT NA MAINTENANCE SA KANILANG MGA BUS.

GAYUNMAN, AYON SA KANILANG RECORDS, ITO ANG UNANG PAGKAKATAON NA NAKAPAGTALA NG AKSIDENTE ANG CHER BUS.

SA NGAYON, NAKIKIPAG-UGNAYAN NAMAN ANG KUMPANYA SA 40 KATAO NA NASAKTAN SA AKSIDENTE, GAYUNDIN SA LTFRB.

SINAGOT NAMAN NG PAMUNUAN NG CHER BUS ANG GASTOS SA OSPITAL AT NAGBIGAY DIN NG PAMASAHE SA MGA PAUWING PASAHERO.

Read 1416 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.