JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
ISANG LALAKI, PATAY MATAPOS PAGBABARILIN SA STA. CRUZ LAGUNA

BY: ROMMEL MADRIGAL

NALILIGO SA SARILING DUGO NANG MATAGPUAN ANG WALA NG BUHAY NA LALAKI MAKARAANG PAGBABARILIN ITO NG ‘DI PA NAKIKILALANG SALARIN SA BAHAGI NG BARANGAY SAN JUAN SA  BAYAN NG STA. CRUZ, LAGUNA.

SA INISYAL NA IMBESTIGASYON NG PULISYA, GANAP NA ALAS-9:30 KAGABI NANG MAKARINIG NG SUNOD-SUNOD NA PUTOK NG BARIL ANG MGA RESIDENTENG MALAPIT LAMANG SA LUGAR NG ISANG PALAYAN.

SAMANTALA, UMAGA NA NANG MAKITA NG TRICYCLE DRIVER ANG ISANG BANGKAY AT AGAD NAMAN NITONG IPINAGBIGAY-ALAM SA MGA KINAUUKULAN.

NAKUHA MALAPIT SA BANGKAY NG BIKTIMA ANG DALAWANG (2) PIRASONG EMPTY SHELL O BASIYO NG KALIBRE 45 NA BARIL. HINIHINALANG MALAPITANG BINARIL ANG BIKTIMA NA NAGING DAHILAN SA AGARAN NITONG KAMATAYAN.

KINILALA NI P/SUPT.BERNALES, HEPE NG PULISYA ANG BIKTIMA NA SI PETRONILLO DAYO, PANSAMANTALANG NAKATIRA SA BRGY. LABUIN NG NATURANG BAYAN AT KASALUKUYAN NAMAN RESIDENTE NG BRGY. TALANGAN NAGCARLAN, LAGUNA.

HANGGANG SA NGAYON AY BLANGKO PA RIN ANG MGA OTORIDAD KUNG ANO ANG POSIBLENG MOTIBO NG PAMAMARIL SA BIKTIMA NA ISA RIN SA PINAG-AARALANG ANGGULO AY ANG PAGIGING KONEKTADO SA TRABAHO NITO NA PAG-AAHENTE NG KABAYO AT BAKA.

Read 102 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.