JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
BAGITONG PULIS NA HINIHINALANG DINUKOT, HINAHANAP PA RIN NG OTORIDAD

BY: JOJO SICAT

HINAHANAP PA RIN NG MGA OTORIDAD ANG ISANG BAGITONG PULIS NA HINIHINALANG DINUKOT MATAPOS IULAT NA NAWAWALA SA PASAY CITY.

BATAY SA REPORT NG SOUTHERN POLICE DISTRICT (SPD), KINILALA ANG BIKTIMA NA SI PO1 JANERICK PUGOY NA SINASABING DUMATING SA NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT (NAIA) TERMINAL 3 NOON PANG AGOSTO 21, 2017 KAYA’T MAHIGIT ISANG BUWAN NA ITONG NAWAWALA.

AYON SA MISIS NG BIKTIMA NA SI KAREN PUGOY, UMALIS ANG KAN’YANG ASAWA SA KANILANG PROBINSYA SA NEGROS OCCIDENTAL BANDANG ALAS-6:15 NG UMAGA SA NASABING PETSA NA SAKAY NG CEBU PACIFIC PARA MAG-REPORT SA KAN’YANG BAGONG ASSIGNMENT SA CAMP CRAME.

NAGPAPATULOY ANG IMBESTIGASYON NG PULISYA SA NATURANG INSIDENTE AT TINITINGNAN ANG MGA CCTV SA LUGAR PARA SA MAKATULONG SA PAGHAHANAP SA NAWAWALANG PULIS.

Read 132 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.