JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PAGLUTAS SA PROBLEMA NG POLUSYON SA TANAG RIVER SA RODRIGUEZ RIZAL, TINUTUTUKAN NG MGB CALABARZON

BY: FELIX TAMBONGCO

NAGSAGAWA NG DALAWANG SERYE NG PAGPUPULONG ANG DEPARMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES (DENR) REGION-4 (CALABARZON) PARA LUTASIN ANG PROBLEMA SA POLUSYON SA TANAG RIVER SYSTEM SA RODRIGUEZ RIZAL.

ANG NATURANG PAGPUPULONG AY DINALUHAN NG DENR R-4, MINES AND GEOSCIENCES BUREAU (MGB), ENVIRONMENTAL MANAGEMENT BUREAU (EMB), RIZAL LOCAL GOVERNMENT UNIT, MONTALBAN AGGREGATES PRODUCERS ASSOCIATION (MAPA), MANILA BAY COORDINATING OFFICE AT LAGUNA LAKE DEVELOPMENT AUTHORITY (LLDA).

ISA SA PANGUNAHING TINALAKAY AY ANG POLUSYON AT SILTATION NA UMANOY NANGGAGALING SA MGA QUARRY AT CRUSHING PLANT SA LUGAR.

AYON KAY ENGINEER DONDIE SARMIENTO NG MINES AND GEOSCIENCE BUREAU CALABARZON, SA FOOTAGES NA KUHA NG DRONE, LUMILITAW UMANO NA MAY CONTRIBUTION ANG MGA QUARRY AT CRUSHING PLANT OPERATION AT SA MGA ESTABLISH CATCH BASIN SA PAGLABO NG ILOG.

KAUGNAY NITO'Y NAKABUO NG ISANG AGREEMENT ANG DENR R-4, EMB, MGB, MAPA AT PROVINCIAL LGU, TULAD NG PAGKAKAROON NG COMMON BACKFILL AREA PARA I UTILIZE ANG MINED OUT AREA, UTILIZATION OF EXCESS WASTE AT OVERBURDEN SOIL PARA GAMITIN SA SANITARY LANDFILL.

INATASAN RIN ANG MGA QUARRY OPERATORS NA MAGTAYO NG MGA CHECK DAM SA TANAG RIVER.

PAGPAPALIWANAGIN RIN ANG MGA QUARRY OPERATOR NA MAPAPATUNAYANG LUMALABAG, PINADALHAN RIN NG LIHAM ANG TANGGAPAN NI MAYOR ELIONG HERNANDEZ PARA IPATUPAD ANG CLEAN WATER ACT AT ANG WRIT OF MANDAMUS OF MANILA BAY

SAMANTALA, SINABI PA NI SARMIENTO NA ANG MAPA NA PINAMUMUMUAN NI MR. ROLANDO ANGELES AY BUMILI NG DALAWANG BACKHOE NA SIYANG GINAGAMIT SA KASALUKUYAN SA DAY TO DAY DREDGING ACTIVITY SA TANAG RIVER.

SA KASALUKUYAN AY PATULOY PA RIN UMANO ANG MGA PAG-AARAL PARA MASOLUSYUNAN ANG IBA PANG PROBLEMA NA SANHI NG POLUSYON SA NATURANG ILOG.

TINIYAK RIN NI SARMIENTO NA MAHIGPIT ANG KANILANG GINAGAWANG IMPLEMENTASYON NG MINING ACT AT ANG PENALTY SYSTEM NG MINING ACT AT GANUN DIN ANG CLEAN WATER ACT SA BUONG REHIYON.

 

Read 64 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.