JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
APAT NA SHOPLIFTER NA DUMAYO PA SA LAGUNA, ARESTADO   

BY: ROMMEL MADRIGAL

DUMAYO PA SA LAGUNA ANG APAT (4) NA SHOPLIFTER MULA SA MALABON NA NAARESTO NG MGA SECURITY GUARD NG ISANG KILALANG MALL SA STA. ROSA CITY.

KINILALA NG IMBESTIGADOR NA SI SPO1 RAMONITO P. ALCALA ANG MGA NAARESTONG SUSPEK NA SINA JULIAN TAN OKBINA, 18 ANYOS, KIMBERLY KAHIGAS TUBERA, 18 ANYOS, JAYSON SANTOS FERRER, 29 ANYOS, JOEL LUCAS MENDOZA, 26 ANYOS NA PAWANG MGA ESTUDYANTE AT RESIDENTE NG BLK. 4 BRGY. TONSUYA, MALABON CITY.

BATAY SA ULAT NA IPINADALA NG LAGUNA PROVINCIAL POLICE OFFICE MULA SA TANGGAPAN NI OIC PSUPT. HAROLD DEPOSITAR, DAKONG IKA 2:30 NG HAPON NANG MAGANAP ANG NATURANG PANGUNGULIMBAT NG APAT NA SUSPEK NA NATUNUGAN NGA NG MGA SEKYU NG  METRO MANILA SHOPPING MECCA CORP. SA BRGY. TAGAPO NG NATURANG LUNSOD.

NABATID NA TINANGKANG ILABAS NG MGA SUSPEK ANG KANILANG NAKUHANG GAMIT NA HINDI BINAYARAN SA COUNTER. NANG LALABAS NA ANG MGA SUSPEK AY AGAD SILANG KINOMPRONTA NG MGA GUARD AT HINAHANAPAN NG RESIBO ANG KANILANG MGA DALANG PRODUKTO. NABIGO NGANG IPAKITA NG MGA SUSPEK ANG RESIBO KAYA’T SILA’Y INARESTO NG MGA SEKYU.

NAKUHA SA PAG-IINGAT NG APAT ANG IBA’T IBANG PRODUKTO NG LARUANG SASAKYAN NA KANILANG KINUHA AT SINUBUKANG ILABAS NA UMABOT SA HALAGANG P4,548. 

DAHIL DITO, ANG MGA DAYONG SHOPLIFTER AY DINALA SA TANGGGAPAN NG STA. ROSA POLICE STATION AT SINAMPAHAN NG KASONG THIEF NA ISINAGAWA NI SPO1 ALCALA, MAY HAWAK NG KASO.

Read 115 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.