JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
2 TULAK NG DROGA, ARESTADO SA STA. ROSA CITY

BY: ROMMEL MADRIGAL

WALA PA RING TAKOT ANG NAGPAPAKALAT NG IPINAGBABAWAL NA DROGA SA STA. ROSA CITY MATAPOS MAARESTO ANG DALAWA (2) SA ISINAGAWANG BUY BUST OPERATION SA BRGY. CAINGIN NG NASABING LUNGSOD.

KINILALA NI STA. ROSA COP OIC PSUPT. HAROLD DEPOSITAR ANG MGA NAARESTONG SUSPEK NA SINA CLARK GONZALES, 26 NA TAON NG PHASE 4 SOUTHVILLE 4 BRGY. CAINGIN AT RONBERT ALINAS, DALAWAMPU’T SIYAM (29) NA CONSTRUCTION WORKERS NG BLK. 20 LOT 25 PHASE 1, VILA STA. ROSA NG NATURANG BRGY. AT LUNSOD.

BATAY SA ULAT NA IPINADALA NG STA. ROSA LAGUNA PPO SA DZRJ, ISINAGAWA ANG BUY BUST OPERATION KAAKIBAT ANG KOORDINASYON MULA SA PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY (PDEA) NA NAGING DAHILAN SA PAGKAARESTO NG MGA SUSPEK.

NABATID NA NAGPANGGAP ANG ISANG POLICE INTELLIGENCE NA ISANG POSEUR BUYER NA NAKIPAGPALITAN NG DROGA SA INAAKALA NG SUSPEK NA TUNAY NA ADIK KAYA’T NAHULOG SA KAMAY NG MGA OTORIDAD ANG MGA SUSPEK NA UMANO’Y MGA BAGONG NAKIKILALANG NAGPAPAKALAT NG IPINAGBABAWAL NA DROGA SA KANILANG LUGAR.

NAKUHA SA PAG-IINGAT NG MGA SUSPEK ANG ANIM (6) NA PIRASO NG NASA PLASTIC SACHET NA HINIHINALANG SHABU NA TINATAYANG NAGKAKAHALAGA NG SAMPUNG LIBONG PISO (P10,000) AT NAKUHA RIN ANG LIMANDAANG PISO (P500) NA BUY BUST MONEY.

KAYA’T SASAMPAHAN NG KASONG PAGLABAG SA SEC. 5 AT 11, ARTICLE 2 REPUBLIC ACT 9165 NA MAY KAUGNAYAN DIN SA COMPREHENSIVE DANGEROUS DRUG ACT OF 2002.

ANG MGA NAARESTONG SUSPEK AY KASALUKUYAN NG NAKADETINE SA STA. ROSA POLICE STATION AT ANG MGA NAKUMPISKANG EBIDENSYA AY DINALA SA PNP CRIME LABORATORY OFFICE SA 4-A SACAMP VICENTE LIM, BRGY. MAYAPA, CALAMBA CITY PARA SA LABORATORY EXAMINATION.

Read 99 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.