JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
BANGKAY NG BABAE AT LALAKI MAGKAHIWALAY NA  NATAGPUAN SA MAYNILA

BY: JOJO SICAT

MAGKAHIWALAY NA NATAGPUAN ANG BANGKAY NG ISANG BABAE AT LALAKI SA LUNGSOD NG MAYNILA.

SA SIDEWALK NG N. REYES ST. MALAPIT SA C.M. RECTO AVENUE, UNANG NATAGPUAN ANG KATAWAN NG ISANG HINDI PA NAKIKILALANG BABAE NA INILARAWANG 40 HANGGANG 45-YEARS OLD NA 5’1” ANG TAAS, NAKASUOT NG PINK NA T-SHIRT, TOKONG NA SHORT PANTS AT NAKAYAPAK.

SA IMBESTIGASYON NI SPO1 BERNARDO CAYABYAB NG MANILA POLICE DISTRICT, MAY NAKITANG PASA SA KATAWAN NG BIKTIMA PERO SINASABING WALA NAMANG NAGANAP NA KOMOSYON BAGO NAKITA ANG KATAWAN NITO.

SAMANTALA, ISANG BANGKAY NAMAN NG ISANG LALAKI ANG NADISKUBRE SA HARAP NG PACO PARK SA PADRE FAURA CORNER SAN MARCELINO STREETS, ERMITA.

INILARAWAN ITONG NASA 40 HANGGANG 45-YEARS OLD, NAKASUOT NG BLUE NA T-SHIRT, ITIM NA SHORT PANTS, TINATAYANG 5’5” HANGGANG 5’7” ANG TAAS AT MAY BALBAS.

AYON KAY SPO2 JONATHAN BAUTISTA, NAKITA NG ISANG PEDICAB DRIVER ANG BIKTIMA NA TILA PAGOD NA PAGOD AT NAKAHIGA SA NABANGGIT NA LUGAR.

NAGPAPATULOY PA RIN ANG IMBESTIGASYON  NG MGA AWTORIDAD SA MGA NATURANG KASO PARA SA PAGKAKAKILANLAN NG MGA BIKTIMA.

Read 94 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.