JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
7 MENOR DE EDAD, NASAGIP SA QC

BY: JOJO SICAT

PITONG (7) MENOR DE EDAD ANG SINAGIP NG MGA OTORIDAD DAHIL SA PAGLABAG SA CURFEW SA BRGY. LIBIS SA QUEZON CITY KAGABI.

AYON KAY PSI MARK COTELO NG QUEZON CITY POLICE DISTRICT (QCPD) STATION 12, PASADO ALAS ONSE KAGABI NANG GALUGARIN NG MGA PULIS AT TAUHAN NG BARANGAY ANG DOÑA YAYANG STREET KUNG SAAN NA-RESCUE ANG APAT (4) NA MENOR DE EDAD NA BABAE AT 3 LALAKI.

ISA SA MGA NAARESTO AY NAGPAKILALA PANG ANAK NG ISANG TAUHAN NG PHILIPPINE NATIONAL POLICE - HIGHWAY PATROL GROUP (PNP-HPG) NA MAY RANGGO NA SPO4.

DAHIL PAWANG MGA FIRST OFFENDER AY PINANGARALAN MUNA ANG MGA BATA NGUNIT PAGMUMULTAHIN NG TIG-DALAWANG LIBONG PISO ANG MGA MAGULANG O GUARDIAN NITO DAHIL SA PAGLABAG SA IPINATUTUPAD NA CITY ORDINANCE.

Read 103 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.