JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
LALAKI PATAY, DALAWANG MENOR DE EDAD SUGATAN SA PAMAMARIL SA QC

BY: JOJO SICAT

DEAD ON THE SPOT ANG ISANG 55 YEARS OLD NA LALAKI MATAPOS PAGBABARILIN NG HINDI NAKILALANG SALARIN HABANG SUGATAN NAMAN ANG DALAWANG (2) MENOR DE EDAD NA NADAMAY NANG MATAMAAN NG LIGAW NA BALA SA LUNGSOD NG QUEZON.

KINILALA ANG BIKTIMA NA SI REYNOLD FRANADA NA NAGTAMO NG TAMA NG BALA SA IBA’T IBANG PARTE NG KATAWAN.

PATULOY NAMANG NAGPAPAGALING SA EAST AVENUE MEDICAL CENTER ANG 2ND YEAR HIGH SCHOOL STUDENT NA TINAMAAN NG LIGAW NA BALA SA TUHOD AT PWET HABANG ANG ISA PANG 15 YEARS OLD NA BIKTIMA AY NAGTAMO NAMAN NG SUGAT MATAPOS TAMAAN NG BALA NG BARIL SA KALIWANG BAHAGI NG KATAWAN.

SA INISYAL NA ULAT NG PULISYA, NAKATAYO LAMANG SA HARAPAN NG INUUPAHANG BAHAY SA NUMBER 30 ROSAL ST. BARANGAY PAYATAS NANG LAPITAN NG ISANG LALAKI AT PINAGBABARIL SI FRANADA.

WALONG (8) BASYO NG BALA NG HINDI PA NATUKOY NA KALIBRE NG BARIL ANG NAKUHA SA CRIME SCENE.

NAKUHA RIN SA CRIME SCENE ANG DALAWANG SACHET NG HINIHINALANG SHABU AT ALUMINUM FOIL.

Read 282 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.