JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
KOREANO NAGWALA, ARESTADO SA PARAÑAQUE

BY: JOJO SICAT

INARESTO NG MGA OTORIDAD ANG ISANG KOREAN NATIONAL NA NAGWALA SA SOLAIRE RESORT AND CASINO SA LUNGSOD NG PARAÑAQUE.

NAKILALA NG OTORIDAD ANG SUSPEK NA SI SEOUNGHUN PARK 36 YEARS OLD, NAKATIRA SA ARISTA CONDOMINIUM BARANGAY TAMBO NG NATURANG LUNGSOD.

NAPAG-ALAMAN NA LASING ANG SUSPEK NA SI PARK AT LALONG NAG-INIT ANG ULO NITO NG MATALO SA SUGAL.

INAWAT PA NG MGA DEALER NG CASINO SI PARK AT SA HALIP NAGSINDI PA NG SIGARILYO ANG SUSPECT NA INIHAGIS PA SA EMPLEYADO NG CASINO.

DAHIL SA PANGYAYARI BINITBIT NA NG MGA SECURITY ANG SUSPEK AT DINALA SA ISTASYON NG PULISYA.

NAHAHARAP NAMAN SA KASONG MALICIOUS MISCHIEF, ALARM SCANDAL AT SLANDER BY DEED ANG NAGWALANG KOREAN NATIONAL.

Read 469 times Last modified on Thursday, 17 August 2017 13:14
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.