JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PUSHER NA NANLABAN SA MGA PULIS SA CALOOCAN, PATAY

BY: JOJO SICAT

DEAD ON THE SPOT ANG TULAK NG DROGA NA NAKILALANG SI BYRAN BALDOZA ALYAS UNO, MATAPOS MAKIPAGBARILAN SA MGA OTORIDAD KAGABI SA PH7A, CEMETERY, BRGY. 176, BAGONG SILANG CALOOCAN CITY.

AYON SA IMBESTIGADOR NG PCP 3 NA SI PO3 JULIUS HILARIO, NAGSASAGAWA NG OPLAN GALUGAD ANG MGA OTORIDAD NANG MAMATAAN ANG SUSPEK NA SI BALDOZA NA WALANG DAMIT PANG-ITAAS.

AGAD NA SINITA NG MGA OPERATIBA ANG NATURANG SUSPEK SUBALIT IMBES NA TUMALIMA SA MGA OTORIDAD, BUMUNOT ITO NG IMPROVISED SHOTGUN AT AKMANG BABARILIN ANG MGA OTORIDAD KAYA’T INUNAHAN NA SIYA NG MGA PULIS. NGUNIT KAHIT MAY TAMA NA SA KATAWAN SI BALDOZA, NAKATAKBO PA RIN ITO AT NAKAPAGTAGO.

NABISTO NAMAN ANG PINAGTATAGUAN NG SUSPEK DAHIL NASUNDAN NG MGA OTORIDAD ANG DUGO NA TUMULO MULA SA TAMA NITO SA KATAWAN. SINUBUKAN PANG LUMABAN NG SUSPECT SUBALIT INUNAHAN NA S’YA NG PUTOK NG MGA OTORIDAD NA NAGRESULTA SA KAN’YANG KAMATAYAN.

NAREKOBER NAMAN SA CRIME SCENE ANG ISANG SUMPAK AT DALAWANG (2) SACHET NG HINIHINALANG SHABU. NAPAG-ALAMAN NA KABILANG SI BALDOZA SA MGA NASA DRUG WATCHLIST NG BARANGAY.

SAMANTALA, ITINANGGI NAMAN NG MGA KAANAK ANG BERSYON NG MGA PULIS. AYON SA MGA KAANAK, PINASOK NG MGA NAKAMASKARANG ARMADONG LALAKI ANG BAHAY NI BALDOZA AT TINANGAY ITO. LAKING GULAT NA LAMANG NILA NANG MAKITANG PATAY NA SA CRIME SCENE ANG KANILANG KAANAK.

Read 412 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.