JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
4 NA KATAO, PATAY SA PAMAMARIL SA QC

BY: JOJO SICAT

PATAY ANG APAT (4) NA KATAO KABILANG ANG ISANG BABAE SA PAMAMARIL KAGABI SA MAY BAHAGI NG COMMONWEALTH AVENUE CORNER LAURA STREET BARANGAY OLD BALARA QUEZON CITY.

DEAD ON THE SPOT SINA ALYAS JOEY,  ALYAS BAD BOY AT BABAENG SI ALYAS TABA HABANG DEAD ON ARRIVAL SA GENERAL MALVAR HOSPITAL SI ALYAS LOLOY MATAPOS PAGBABARILIN NG MGA HINDI NAKILALANG SUSPEK.

AYON KAY PO2 JULIUS CEDAZO NA RUMESPONDE SA LUGAR,  PINASOK NG DI PA MALAMANG BILANG  NG MGA SUSPEK ANG BAHAY NG 4 NA BIKTIMA AT AGAD NA PINAGBABARIL ANG MGA ITO HANGGANG SA MASAWI.

SINUBUKAN PANG ISUGOD SA PAGAMUTAN SI ALYAS LOLOY SUBALIT BINAWIAN DIN NG BUHAY.

MABILIS NA TUMAKAS ANG MGA SUSPEK MATAPOS ANG PAMAMARIL NA KAPWA NAKATAKIP ANG MUKHA.

PAHAYAG NAMAN NG ILANG RESIDENTE SA LUGAR,  PASAWAY ANG MGA NATURANG BKTIMA DAHIL MADALAS NA MAINGAY ANG MGA ITO AT KUNG SINU-SINONG TAO ANG PUMAPASOK SA NASABING BAHAY NA PAG-AARI NI ALYAS LOLOY.

HINALA NG PULISYA, POSIBLENG MAY KINALAMAN SA ILIGAL NA DROGA ANG NATURANG PAMAMASLANG SA MGA BIKTIMA.

Read 278 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.