JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
LALAKING NANUTOK NG BARIL, ARESTADO SA PASAY

BY: JOJO SICAT

ARESTADO ANG ISANG LALAKI DAHIL SA SINASABING PANANAKOT AT PANUNUTOK NG BARIL SA LUNGSOD NG PASAY.

NAKILALA ANG SUSPEK NA SI ARIES CASTILLO, 34 YEARS OLD, MIYEMBRO NG KILABOT NA BAHALA NA GANG AT NAKATIRA SA CAMACHILE ST., SINGALONG, BRGY. 746, MALATE, MAYNILA.

BATAY SA IMBESTIGASYON NG PULISYA, NAKATAYO LANG ANG 18 YEARS OLD NA PEDICAB DRIVER NA SI REGIE REYES SA KAHABAAN NG SERVICE ROAD, ROXAS BLVD. KANTO NG CUNETA AVENUE, BRGY. 76, PASAY CITY NANG BIGLANG DUMATING SI CASTILLO.

SA HINDI MALAMANG DAHILAN AY BIGLA NA LANG ITONG BUMUNOT NG ISANG IMPROVISED NA BARIL MULA SA KAN’YANG BAYWANG BAGO TINUTUKAN ANG BIKTIMA AT PINAGBANTAANG PAPATAYIN.

NAGKATAON NAMANG NAGPAPATRULYA SA LUGAR ANG DALAWANG PULIS MULA SA BACLARAN-PASAY PCP O POLICE COMMUNITY PRECINCT NA NAGRESULTA SA PAGKAKAARESTO SA NATURANG SUSPEK.

SA NGAYON AY NAKAPIIT SI CASTILLO AT NAKATAKDANG SAMPAHAN NG KASONG GRAVE THREAT AT ILLEGAL POSSESSION OF FIREARMS AND AMMUNITION.

Read 1254 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.