JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
DRUG SUSPECT PATAY MATAPOS MANLABAN SA PULIS SA LAS PIÑAS

BY: JOJO SICAT

PATAY ANG ISANG DRUG SUSPECT MAKARAANG MANLABAN SA MGA AWTORIDAD SA LAS PIÑAS CITY.

NAKILALA ANG SUSPECT NA ALYAS "LOUIE" NA KILALANG ISNATSER AT TULAK NG ILIGAL NA DROGA SA LUGAR.

BASE SA INISYAL NA REPORT NG OTORIDAD, NAGPAPATROLYA ANG TATLONG PULIS SA VILLA COASTAL LOPEZ, BRGY. DANIEL FAJARDO NANG MAMATAAN ANG ISANG GRUPO NG KALALAKIHAN NA KAHINA-HINALA ANG KILOS.

NANG SITAHIN NG MGA AWTORIDAD, ISA SA KANILA NA MAY DALANG SLING BAG ANG BUMUNOT NG BARIL AT TINANGKANG PAPUTUKAN ANG MGA PULIS.

DAHIL DITO, NAPILITANG KUMASA ANG MGA ALAGAD NG BATAS AT PINAGBABARIL ANG MGA SUSPEK NA IKINASAWI NG ISA HABANG NAKATAKAS NAMAN ANG DALAWANG IBA PA.

NAREKOBER SA LUGAR ANG ISANG SLING BAG, ISANG KALIBRE .38 NA BARIL NA MAY TATLONG BALA AT TATLONG SACHET NG HINIHINALANG SHABU.

Read 279 times Last modified on Friday, 21 July 2017 07:29
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.