JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
DRUG SUSPECT, NANLABAN SA PULIS SA MAYNILA PATAY

BY: JOJO SICAT

HINDI NA UMABOT SA HOSPITAL ANG ISANG DRUG SUSPECT MATAPOS MANLABAN SA ISANG BUY BUST OPERATION SA BILBAO ST, TONDO, MAYNILA KAGABI.

DEAD ON ARRIVAL SA GAT ANDRES MEMORIAL MEDICAL CENTER ANG SUSPECT NA SI RONEL LANGCUYAN ALYAS HAPON, 30 ANYOS AT RESIDENTE NG LUGAR.

BASE SA INISYAL NA REPORT NG MANILA POLICE DISTRICT (MPD) HOMICIDE SECTION, NAGKASA NG OPERASYON ANG MORIONES POLICE STATION LABAN SA SUSPEK NA KILALA UMANONG TULAK NG DROGA SA LUGAR.

NANG MAGKAABUTAN NA NG DROGA AY SUMENYAS NA ANG PULIS NA NAGPANGGAP NA BUYER AT DITO NA NAKARAMDAM ANG SUSPECT KAYA’T BUMUNOT ITO NG BARIL AT NAGPAPUTOK SA MGA OPERATIBA.

MAPALAD NAMAN NA HINDI TINAMAAN ANG PULIS NA AGAD GUMANTI NG PUTOK SA SUSPECT NA NAGTAMO NG MGA TAMA NG BALA SA KATAWAN NA NAGING SANHI NG KAMATAYAN NG SUSPEK.

NAREKOBER SA SUSPECT ANG TATLONG (3) SACHET NG HINIHINALANG SHABU AT ISANG KALIBRE 38 BARIL.

Read 141 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.