JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
30 KABAHAYAN, NILAMON NG APOY SA LAS PIÑAS

BY: JOJO SICAT

NILAMON NG APOY ANG TINATAYANG TATLUMPUNG (30)  KABAHAYAN SA NAGANAP NA SUNOG SA SAN JOSE ST. BARANGAY DANIEL FAJARDO SA LAS PIÑAS CITY KANINANG MAGHAHATING GABI.

AYON SA MGA FIRE INVESTIGATOR NG BUREAU OF FIRE PROTECTIONS (BFP), TINATAYANG ANIMNAPUNG (60) PAMILYA ANG APEKTADO NG NATURANG SUNOG

BASE SA SALAYSAY NG ISA SA MGA NASUNUGAN NA SI CRISTINA GONZALES, 40 YEARS OLD, KONTI LANG ANG MGA NAISALBA NILANG GAMIT AT KARAMIHAN DITO AY PAWANG MGA DAMIT NA LAMANG.

SINABI PA NG GINANG, NAGSIMULA ANG SUNOG SA BAHAY NG ISANG NELSO MALLARI, MAG-A-ALAS 12:00 NG HATING GABI HANGGANG SA KUMALAT NA ITO SA MGA KATABING BAHAY.

NAGPAPASALAMAT NA LANG ANG GINANG DAHIL LIGTAS NAMAN LAHAT NG KANÝANG PAMILYA KABILANG ANG KANÝANG APAT NA ANAK.

UMAABOT SA P250,000 ANG KABUUANG PINSALA NG NATURANG SUNOG HABANG INAALAM PA RIN NG BFP ANG SANHI NG PAGSIKLAB NG APOY.

Read 170 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.