JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
DALAWANG DRUG PUSHER, ARESTADO SA IKINASANG BUY BUST OPERATION

BY: JOJO SICAT

ARESTADO ANG DALAWANG (2) DRUG PUSHER MATAPOS ANG IKINASANG BUY BUST OPERATION NG MGA OTORIDAD SA ISANG BAHAY SA GUDIO ST. BARANGAY CEMBO LUNGSOD NG MAKATI KAGABI.

NAKILALA ANG DALAWANG SUSPECT NA SINA PABLO DELA CRUZ ALYAS PALPAK, 37 YEARS OLD AT ISANG BABAE NA NAKILALANG SI MARY JANE CAUILAN NA PAREHONG DISPATCHER AT NAKATIRA SA NASABING LUGAR.

AYON SA PULISYA, NAGPOSITIBO ANG SUMBONG NG MGA CONCERN CITIZENS SA NAGAGANAP NA POT SESSION KAYA AGAD NA NAGSAGAWA NG OPERASYON ANG MGA OTORIDAD NA DAHILAN UPANG MALAGLAG SA PATIBONG ANG DALAWANG SUSPECT.

NAREKOBER MULA SA DALAWANG SUSPECT ANG ISANG PLASTIC SACHET NA NAGLALAMAN NG SHABU NA HANDA NG IBENTA AT APAT (4) NA SACHET NAMAN SA PAG-IINGAT NI DELA CRUZ.

MAHAHARAP NGAYON SA KASONG PAGLABAG SA DANGEROUS DRUGS ACT OF 2002 ANG DALAWANG SUSPECT.

Read 166 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.