JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
9 KATAO, ARESTADO SA DRUG BUY BUST OPERATION SA STA. ROSA CITY

BY: ROMMEL MADRIGAL

SIYAM (9) NA KATAO ANG NAHULOG SA BITAG NG STA. ROSA CITY PNP SA IKINASANG BUY BUST OPERATION NG MGA ITO SA BRGY. TAGAPO NG NATURANG LUNSOD.

NAKILALA ANG MGA NAARESTONG SUSPEK NA SINA CARLO NIEDO, DALAWAMPU’T LIMANG (25) TAON, JOMEL AHERO, DALAWAMPU’T TATLONG (23) TAON, ARVIN ALFONSO, TATLUMPU’T LIMANG (35) TAON, ERIC MERCADO, APATNAPU’T SIYAM (49) NA TAON,  RANDY PANGANIBAN, TATLUMPU’T ISANG (31) TAON, JOJIE MENDOZA, TATLUMPUT ISANG (31) TAON NA NAG-IISANG BABAE,  PATRICK BRAVANTE, DALAWAMPU’T LIMANG (25) TAON, RAMON RUPILA, DALAWAMPU’T SIYAM (29) NA TAON AT ANG PANGHULI AY SI JOSE CERQUILLO, LIMAMPU’T PITONG (57) TAONG GULANG NA PAWANG RESIDENTE NG BRGY. DELA PAZ, BIÑAN CITY.

BASE SA ULAT NA IPINADALA NG LAGUNA PPO, MULA SA STA. ROSA POLICE STATION, ISINAGAWA ANG OPERATION DAKONG 10:00 NG GABI NG ISAGAWA ANG NATURANG OPERASYON NA NAGING DAHILAN SA PAGKAARESTO NG SIYAM (9) NA PINAGHIHINALAAN.

NAKUHA SA PAG-IINGAT NG NAARESTONG GRUPO ANG SAMPUNG (10) PIRASO NG PLASTIC SACHET NA PINAGHIHINALAANG SHABU NA TINATAYANG MAY BIGAT NA DALAWANG (2) GRAMO AT BUY BUST MONEY.

KAYA’T SASAMPAHAN SILA NG KASONG MAY KINALAMAN SA REPUBLIC ACT 9165 AT MAY KAUGNAYAN DIN SA COMPREHENSIVE DANGEROUS DRUG ACT OF 2002.

Read 200 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.