JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
HIGIT 100 DRIVERS, NASAMPULAN SA UNANG ARAW NG ANTI-DISTRACTED DRIVING ACT AYON SA MMDA

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

UMABOT NA SA 114 MOTORISTA ANG NAHULI NG METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY (MMDA) NA LUMABAG SA NAREPASONG ANTI-DISTRACTED DRIVING ACT O ADDA NA IPINATUPAD LAMANG KAHAPON. 

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI MMDA LIASON OFFICER ATTY. VICTOR NUÑEZ, ANG MGA VIOLATORS AY NAHULI SA PAMAMAGITAN NG KANILANG NO CONTACT APPREHENSION POLICY GAMIT ANG KANILANG HIGH DEFINITION CCTV CAMERAS.

AYON PA KAY NUÑEZ, ANG MGA NAHULING DRIVERS AY PAPADALHAN NG SULAT AT PAGMUMULTAHIN NG P5,000 PARA SA FIRST OFFENSE.

GAYUNMAN, DAGDAG NI NUÑEZ AY BIBIGYAN NAMAN NG PAGKAKATAON ANG MGA NAHULING MOTORISTA NA IPALIWANAG ANG KANILANG PANIG BAGO TULUYANG PAGBAYARIN SA NATURANG VIOLATION.

 

Read 1838 times Last modified on Friday, 07 July 2017 11:56
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.