JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
KALAHATING MILYON PISONG ALAHAS AT GAMIT NATANGAY NG SALISI GANG SA MUNTINLUPA

BY: JOJO SICAT

MANGIYAK-NGIYAK NANG DUMULOG SA PULISYA ANG ISANG GINANG MATAPOS MATANGAYAN NG MGA ALAHAS AT ILANG MAHAHALAGANG GAMIT NG HINIHINALANG SALISI GANG SA MUNTINLUPA CITY.

NAKILALA ANG BIKTIMA NA SI ABEGAIL EMAS, 33 YEARS OLD AT NAKATIRA SA GREENWOODS EXECUTIVE VILLAGE, CAINTA, RIZAL.

BASE SA SALAYSAY NG GINANG, KUMAKAIN SIYA SA LOOB NG PHOA HOA RESTAURANT SA ALABANG KASAMA ANG KANYANG ANAK AT KASAMBAHAY NANG MAY LUMAPIT SA KANILA NA DALAWANG LALAKI.

NAKIPAGLARO UMANO ANG MGA ITO SA KANYANG MENOR DE EDAD NA ANAK AT SA PANGAMBANG BAKA TANGAYIN ANG BATA AY AGAD NIYANG INILAYO ITO.

DITO NA NAGKAROON NG PAGKAKATAON ANG MGA SUSPEK PARA ISAGAWA ANG KRIMEN AT TINANGAY ANG KANYANG BAG NA NAGLALAMAN NG MGA ALAHAS AT CASH.

TINATAYANG HALOS KALAHATING MILYONG PISO ANG KABUUANG HALAGA NG MGA NAKULIMBAT NA PERA AT ALAHAS NG MGA SALARIN.

INIIMBESTIGAHAN PA RIN NG MGA AWTORIDAD ANG INSIDENTE HABANG INAALAM KUNG NAHAGIP NG MGA CCTV SA LUGAR ANG PANGYAYARI UPANG MATUKOY ANG PAGKAKAKILANLAN NG MGA SUSPEK.

Read 301 times
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.