JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
BUS DRIVER AT KUNDOKTOR, NANAPAK NG TRAFFIC ENFORCER SA QC KALABOSO

BY: JOJO SICAT

TILA MAY HANG OVER PA SA LABANANG PACHORN ANG ISANG DRIVER AT KUNDOKTOR MATAPOS MANAPAK AT MANGGULPI NG TRAFFIC ENFORCERS SA CUBAO QUEZON CITY.

KALABOSO ANG BUS DRIVER NA NAKILALANG SI EDDIE MAGANGCONG JR., 38 YEARS OLD  AT KUNDOKTOR NA SI KIM LESTER PADILLA, 22 YEARS OLD KAPWA EMPLEYADO NG METRO MANILA BUS CORPORATION.

AYON SA PAUNANG IMBESTIGASYON, PINARA NG MGA TAUHAN NG METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY (MMDA) ANG BUS NA MINAMANEHO NI MAGANGCONG DAHIL SA PAGPAPABABA NITO NG MGA PASAHERO SA NO LOADING AND UNLOADING ZONE.

SA HALIP NA IBIGAY NG DRIVER ANG LISENSYA NITO AY BUMABA ITO NG BUS AT PINAGSASAPAK ANG MGA TRAFFIC ENFORCERS

AGAD NA INI-REPORT NI TRAFFIC ENFORCER FRANCISCO APOSTOL SA PULIS ANG NANGYARI.

NAGTAMO NG BALE SA LEEG ANG TRAFFIC ENFORCER 3 NA SI ROBERTO SUPAN NA NANG-AWAT LAMANG SA AWAY AT KINAILANGAN SIYANG MA-CONFINE HABANG ANG ISA PANG NAGREKLAMO NA SI TRAFFIC ENFORCER NA SI RODEL ABANIL AY NAGKABALI SA KAMAY.

NAKAPIIT NA SA QUEZON CITY POLICE DISTRICT (QCPD) STATION 7 SI MAGANGCONG AT PADILLA NA NAHAHARAP SA KASONG DIRECT ASSAULT UPON AN AGENT OF PERSON IN AUTHORITY HABANG DINALA NAMAN SA IMPOUNDING AREA NG MMDA ANG NATURANG BUS.

Read 2284 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.