JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
NEGOSYANTENG KAANAK NG DATING PNP CHIEF, PINAGBABARIL SA PASAY

BY: JOJO SICAT

PATAY SA PAMAMARIL SA LUNGSOD NG PASAY ANG ISANG NEGOSYANTE NA SINASABING KAMAG-ANAK NG ISANG DATING HEPE NG PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP).

NAKILALA ANG BIKTIMA NA SI MICHAEL VERSOZA, NASA HUSTONG GULANG AT NAPAULAT NA PAMANGKIN NI DATING PNP CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS VERSOZA.

SA PAUNANG IMBESTIGASYON NG PULISYA, NAGANAP ANG INSIDENTE PASADO ALAS 9:00 KAGABI SA ESTABLISIMIYENTO NA PAG-AARI NI VERSOZA SA LIBERTAD STREET, BRGY. 69, ZONE 9 NG NABANGGIT NA LUNGSOD.

BATAY SA KUHA SA CCTV, MAKIKITA NA ISINASARA NG ISANG TAUHAN NI VERSOZA ANG GATE NG KANILANG FURNITURE STORE PERO MAYA-MAYA AY LUMABAS NAMAN ANG BIKTIMA.

DITO NA NAGKAROON NG PAGKAKATAON ANG SUSPEK NA MABILIS NA BINARIL SI VERSOZA KUNG SAAN AGAD NA TUMAKAS ANG SALARIN SA HINDI PA MABATID NA DIREKSYON MATAPOS NA MAISAGAWA ANG KRIMEN.

BUKOD SA KAMAG-ANAK UMANO NG DATING PNP CHIEF NA SI VERSOZA, NABATID MULA SA BARANGAY CHAIRMAN NG BRGY. 69 NA ANG BIKTIMA AY ANAK DIN NG ISANG KERNEL.

SA KASALUKUYAN AY PATULOY NA INIIMBESTIGAHAN PA RIN NG MGA OTORIDAD ANG KASO UPANG MATUKOY ANG PAGKAKAKILANLAN NG SALARIN AT GAYUNDIN ANG MOTIBO SA NATURANG KRIMEN.

Read 1407 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.