JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
BARANGAY CHAIRMAN, NAKALIGTAS SA PANANAMBANG SA MAYNILA

BY: JOJO SICAT

HIMALANG NAKALIGTAS SA PAMAMARIL ANG ISANG BARANGAY CHAIRMAN NG MAYNILA KAHIT TADTAD NG TAMA NG BALA ANG DALA NITONG SASAKYAN.

LIGTAS NA SA SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL ANG ISANG BARANGAY CHAIRMAN MATAPOS TAMBANGAN NG HINDI PA NAKIKILALANG SUSPEK KAGABI SA MALATE MAYNILA.

DUGUANG ISINUGOD SA HOSPITAL NG MGA OTORIDAD SI CHAIRMAN KRISTO HISPANO NG BARANGAY 169 NG PORT AREA MANILA.

BASE SA SALAYSAY NI GILBERT DELA CRUZ, BARANGAY TANOD SA BARANGAY 169 MAGKASAMA SILA KAGABI NG BIKTIMA SA MANILA HOTEL DAHIL SA TUMANGGAP ANG CHAIRMAN NG AWARD BILANG OUTSTANDING CHAIRMAN NG MAYNILA.

SINABI PA NI DELA CRUZ NA NABIGLA ITO NANG MALAMAN NA NABARIL SI CHAIRMAN.

IGINIIT PA NI DELA CRUZ NA MAARING MAY KINALAMAN ANG PAMAMARIL SA POLITIKA DAHIL MALAPIT NA ANG BARANGAY ELECTION.

BINANGGIT DIN NI DELA CRUZ NA NAPAG-ALAMAN NITO NA ITINUTURO SI CHAIRMAN NA UMANOÝ NAGPAPATAY KAMAKAILAN SA ISANG RETIRED MARINE CAPTAIN NA TINAMBANGAN SA PORT AREA.

DAGDAG PA NG BARANGAY TANOD NA PAPUNTANG PASAY SI CHAIRMAN NANG MAGANAP ANG PAMAMARIL PAGDATING SA QUIRINO AVENUE KAGABI.

NAPAG-ALAMAN NA NAGAWA PA NA MAKAPAGMANEHO NI CHAIRMAN NG SINASAKYANG SUV HANGGANG MAKAHINGI NG TULONG SA CPP POLICE COMMUNITY PRECINCT.

AGAD NAMAN NA ITINAKBO ANG BIKTIMA NG MGA PULIS SA SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL AT AGAD NILAPATAN NG LUNAS ANG SUGATANG KATAWAN NI CHAIRMAN HISPANO.

SA NGAYON AY NAGPAPATULOY ANG IMBESTIGASYON NG PULISYA SA PAGKAKILANLAN NG MGA SUSPEK AT TUNAY NA MOTIBO SA PANANAMBANG.

Read 190 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.