JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PATAY ANG ISANG MOTORCYCLE RIDER MATAPOS SADYANG SAGASAAN NG TRUCK SA PARANAQUE

By: Jojo Sicat

PATAY ang isang motorcycle rider matapos itong sadyang sagasaan ng isang truck sa kahabaan ng Macapagal Blvd sa Parañaque City kagabi.

Tinutugis na ngayon ang isang driver ng truck na hindi pa alam ang pagkakilanlan na sadyang sumagasa sa isang motor rider habang binabagtas nito ang kahabaan ng North bound ng Macapagal Blvd.

Ayon kay SPO1 Reynalo Serafica, naganap ang insidente sa southbound ng Macapagal Boulevard sa Barangay Tambo ng naturang lungsod.

Aniya, northbound ang direksyon na tinatahak ng nagmamaneho ng motorsiklo, ngunit kumaliwa ang truck na pa-southbound at nabangga ang biktima.

Base sa mga pahayag ng mga nakasaksi sa insidente, buhay pa ang lalaking driver ng motorsiklo matapos masagasaan.

Gayunman nang bumaba ang driver ng truck at sinilip ang biktima, bumalik ito sa manibela at walang habas pang sinagasaan ang biktima, at saka humarurot ito palayo.

Read 2719 times Last modified on Tuesday, 11 April 2017 01:14
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.