JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
4 NA CARNAPPER ARESTADO SA CAINTA RIZAL

By: Jojo Sicat

ARESTADO ang apat na suspek sa kasong carnapping na nakilalang sina Hanin Benito, Ibrahim Benito, Sherwin Villamin at Marvin Villamin, matapos salakayin kagabi ng mga tauhan ng PNP-Highway Patrol Group ang isang bahay na hinihinalang katayan ng mga karnap na sasakyan sa Greenwoods Subdivision, sa Cainta, Rizal.

Ayon kay Supt. Peter Dionisio, hepe ng Task Force Limbas ng PNP-HPG, agad silang nagsagawa ng operasyon matapos dumulog sa kanilang tanggapan ang operator at driver ng Jewel Faith Taxi na hinoldap sa C5, Taguig City.

Dahil sa nakakabit na GPS sa sasakyan, agad na natunton ng mga otoridad ang kinarnap na sasakyan sa parking area ng isang malaking bahay na pag-aari ng isang Mohamed Darapa.

Naaktuhan pa sa naturang bahay ang mga suspek na tinatanggal ang sticker ng taxi at wiring nito.

Positibo namang kinilala ng biktimang taxi driver na si Danilo Obrero ang mga nangholdap sa kanya na sina Hanin Benito at Villamin.

Maliban pa sa taxi na sinasabing tinangay ng mga suspek, nakuha din sa naturang bahay ang Hyundai accent na tila ginagamit umano dati bilang taxi at pininturahan ng itim.

Sa ngayon ay tinutunton pa ng mga otoridad ang may-ari ng bahay na si Mohamed Darapa.

Read 6008 times
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.