JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
FREELANCE PHOTOGRAPHER PATAY SA PAMAMARIL SA PATEROS

By: Jojo Sicat

PATAY ang freelance photographer na sangkot umano sa illegal na droga na nakilalang si Heinz Dexter Papa, matapos na pagbabarilin sa Grem Village Subdivision Brgy. San Roque, Pateros kagabi.

Ayon kay Police Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., director ng Southern Police District (SPD), natutulog ang biktima nang pwersahang pumasok sa loob ng bahay ni papa ang mga armadong lalaki na naka-helmet at nakabonnet.

Agad umanong kinaladkad palabas ng kanyang bahay si papa, bago tuluyang paputukan ng makailang ulit sa ulo at katawan na sya nitong agarang ikinasawi.

Mabilis naman na tumakas ang mga di nakilalang mga suspect matapos ang pamamaril.

Inaalam pa ang motibo sa krimen, subalit napag-alaman na ang biktima ay sangkot umano sa ipinagbabawal na gamot.

Read 2502 times
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.